I do not claim to be religious in any way BUT one thing is for certain I BELIEVE in GOD.
sige Ryan, ikaw naman ang magbasa ng blog ko.
I am a Catholic since birth and I am not ashame of it. Pero ngayon ay unti nti na kong napapalapit sa ibang relihiyon. Christian pa rin naman sabi ng kapatid ko. So anong debate dito? Sagrado Katoliko ang pamilya ko. At ayon sa kapatid ko, sabi ng kaibigan niya, being born in a family with no Catholic root is not a sin but changing religion from Catholism to another is. Hindi ko minamasama ang opinyong ito at alam kong nagmamalasakit lang siya sakin. Pero gusto ko lang ihayag naman ang sa akin. Ngayon ay alam kong malapit si Ryan kay Lord, with all the blessing poured on him there is no doubt his efforts and faith are being rewarded. Pano nga ba siya napalapit kay Lord? Dahil 'to sa mga kaibigan niyang inakay siya palapit Dito. Dahil ito sa mga karanasang pinagdaanan niya na nagpayabong sa kanyang pananampalataya NGUNIT higit sa lahat, ayon nga sa kanya, dahil ito sa mga kaibigan niya , sa mga hinostage niya.
So anong point ko?
While in deep search for what religion I should be in, my classmate in art studies2 (na by the way, i don't know who up to now) came to me out of nowhere and start talking about religion. In my shock, I was speechless. But since I have given the opportunity to talk and ask someone, I asked her, "Pano mo ba malalaman kung saang religion ka dapat mapabilang?" and she said, " Alam mo, ang espirituwal na paglago ng tao ay parang buto ng prutas, kelangan mong piliin kung saan yung lugar kung saan ka tutubo at yayabong dahil bawat isang buto ay may kanya kanyang lugar na tama para sa kanya."
Hindi alam ng kapatid ko kung anong mga bagay ang nagpalapit sa akin sa ibang relihiyon. Siguro ay iniisip niya na dahil lang ito sa kagustuhan kong maging pareho ang relihiyon namin ni Vincent. Mali siya dun. Dito lang sa lugar na ito nakalatag ang tamang lupang aalalay upang maging isang ganap na puno ang aking espiritual na paniniwala. Andito lang ang mga taong hinostage ko.
Nirerespeto ko ang simbahang Katoliko. Mahal ko rin ito. Sabi mo nga ito ang simbahang tinatag ni Kristo. Ngunit naniniwala rin ako na ang relihiyon ay daan lang na may suportang rehas sa mga gilid nito upang magsilbing daan papunta kay God na aalalay sayo. Hindi ako naniniwala na ang daan papuntang langit ay iisa lamang. Naniniwala ako na may karapatan tayong piliin ang rehas na susuporta sa atin basta alam lang natin kung saan natin gusto pumunta. Maari pa ngang hindi ka kumapit sa rehas sa pagtahak ng daang ito subalit paniguradong magiging mahirap ang paglalaakbay para sayo. Masakit na sabihing kasalanan ang paghanap ng mas epektibong daan para makarating sa pinakaaasam mong hantungan. Hindi ba mas kasalanan ang pabayaan mong maging stagnant ang faith mo dahil napaka stubborn mo at pinagpipilitan mong dito mo lang gustong dumaan sa daang ito? I can not say that I did not try my best in the Catholic church .I am a YFC member and I sang for our church choir and I religiously go to mass every Sunday. But I did not feel the burn in my heart that I am so longing for the past years. I did not felt that I wanted to improve spiritually, not until I experienced attending VCF. You're lucky that you have your Catholic friends lifting you up to Christ, and I am lucky I have my friends doing the same for me.
As long as we are doing the right things for the Lord I am sure to see you in heaven. Sana lang hindi sinners ang tingin niyo/mo sa mga taong gusto lang mapalapit sa Diyos ngunit iba lang ang daang pinili. GOD is good and good things happen not only to Catholic people but to Born Again and Muslims as well. Indicating only that God loves us all and will save us all if we only do things in His name.